Pag-ibig Mula sa Libro
Ni YhunaSibuyana
Simula nang mabasa ang iyong kwento.
Hindi ka na maalis sa isipan ko.
Mapalinga man sa alinmang dako.
Ikaw palagi bukang bibig nito.
Pag ibig na natagpuan sa libro.
Sa librong may temang pag ibig.
Pag ibig nang iniirog niyang walang bukang bibig.
Kundi ang mahalin siya ng walang halong biro.
Pag ibig na natagpuan sa libro.
Sa tauhang kasing kisig ni Rama at kasing tapat ni Sita.
Walang makakahadlang sa pagmamahalan nila.
Kahit na paglayuan at paglaruan ng tadhana.
Ang pag iibigan nila ay lumaganap sa alinmang dako.
Pag ibig na kailanman di napako.
Pag ibig na pinaglaban sa gitna ng digmaan.
Di bumitaw kahit nahihirapan.
Pag ibig mula sa libro ang tanging hangad ko.
Di kumukupas, di rin nagbabago.
Di madaya at lalong di maralita.
Di nasusukat sa anumang bilang ng salita.
Sa libro nalang ba mababasa?
Sa libro nalang ba mababasa ang pag ibig na tunay.
Pag ibig na hinahangad ng karamihan.
Pag ibig na walang kupas at makinang.
Pag ibig mula sa libro,
Kailanman di magiging totoo.
Binibini ng Makabagong Henerasyon
Ni YhunaSibuyana
Binibining kay ganda, ka mahal mahal ka.
Marapat kang alayan ng tunay na pag ibig.
Pag ibig na puro at dalisay.
Binibining bukod na natatangi.
Kutis mong kayumanggi.
Balat mong di maputi.
Puso mong uliran.
Dapat ka nilang tularan.
Buhay mo'y puno ng bagyo.
Di ka dapat tinatrato ng ganito.
Dapat kang lumaban.
Wala ka dapat inaatrasan.
Puso mo'y nabihag, ng ginoong minahal mo ng tapat.
Pagkat ikaw ay huwaran di dapat husgahan.
Pagkat nakikita lang nila ang labas mo.
At hindi ang panloob mong pagkatao.
H'wag kang susuko, binibini.
May karamay kana sa bawat sandali.
Ikaw ay bulaklak sa gitna ng kagubatan.
Di dapat iwanan, bagkus ay dapat na alagaan.
Wala silang alam sayo.
Sayong buong pagkatao.
Hindi nila alam lahat ng pinagdadaanan mo.
Hindi ka rin sanay na makihalubilo, sa taong mapanghusga sayo.
O binibini,
Binibini ng makabagong henerasyon.
Hindi ka dapat pinaglalaruan ng panahon.
Makabagong panahon na nagpabago sa buhay mong mahinahon.
Binibini,
Pagka isiping mabuti.
Hindi ka topiko na pag usapan ng ibang tao.
Hindi rin isyu na pagsaluhan sa alinmang dako.
Isa kang binibini na hinubog ng mapanghamong mundo...
Isa kang binibini..
Bulaklak na kay halimuyak.
Halimuyak na kay bango...
Di dapat pinipitas, ni hindi rin pinaghahango ni kahit sino.
Isa kang katangi-tangi, di ka dapat pinipilit.
Ikaw ay malaya, walang tanikala.
Dumako ka parito't paroon, walang tututol.
Pagkat ikaw ay binibini, walang nakagapos.
Ikaw ay rosas na may sariling hardin.
Maging malaya at h'wag paalipin.
Ikaw ang may hawak ng sarili mong kapalaran.
Maging maingat sa iyong dadaanan.
O binibini,
Maging matapang.
Di lahat ng binibini ay nasa kulungan.
Nasa iyo ang susi ng iyong kapalaran.
Lumaban ka, o binibini.
Di ka babae lang, kundi babaeng palaban...
TAHANAN
Ni YhunaSibuyana
Sa unang pagkakataon, nahanap niya ang kaniyang sisilungan.
Tahanang sisilungan na hindi siya huhusgahan.
Na hindi siya pababayaan.
At mas lalong hindi siya babalewalain.
At mas lalong ‘di isasadlak sa luha.
Ang tahanang nagbigay ng pagkakataon para sa kaniya.
Pagkakataon na ‘di man mahulaan pero sumugal.
Sumugal para sa luhaang tulad niya.
Tahanang di mamimili ng titira.
Tahanang tahimik at masaya.
Tahanang inilaan mismo sa kaniya.
Inilaan ng diyos, para sa tulad niyang pinabayaan mag isa.
Ni hindi man lang nakita ang tunay niyang halaga.
At ngayon nakasilong na siya.
Sa tahanang makakatahan siya.
PAHINA NG LIBRO
Ni YhunaSibuyana
Sa pahina ng bawat librong isinulat ko.
Pangalan mo ang laging nasa isip ko.
Napahinto man at mapangiti saglit.
Walang katumbas na letra ang bawat saglit.
Pahina ng bawat librong isinulat ko.
Ikaw ang inspirasyon kahit sa kadulo-duluhan nito.
Walang letrang tutumbas sayo.
O ginoong nagbigay kulay sa mundo ko.
Sa bawat kabanata ng librong inilimbag sa wattpad.
Walang kahit ni isang magpapatunay na hindi ikaw ang inspirasyon sa paglimbag.
Bawat hinto, ngiti saglit at kunware mapapaisip.
Wala eh, ikaw na naman ulit.
Kailan kaya mabibigyan ng hustisya ang bawat letrang nakasulat sa libro.
Kung damdamin mo'y pabago-bago ng motibo.
Sinamahan simula't una.
Hindi nakalimutan ang pangako sa nakaraan.
Ang nakaraang sa libro nalang masusulyapan.
Kasama ng matatamis na memorya ng nakaraan.
Ang pahina ng libro'y unti unti ng dumami.
Hindi ko na rin mabilang kung ilang letra ang naisulat ko na simula noong unang gabi.
Gabing madilim habang nananambitan sa mga tala sa kalawakan.
Na sana ako'y pakinggan at dalhin ang bulong patungo sa kawalan.
Wala akong nais ipabatid sa librong iyon kundi ang mahalin ka at pahalagahan.
Sa pahina ng librong isang daan at apat na pu't tatlo.
Doon mo mababasa ang liham na mula sa aking puso.
Na aking pinakatago-tago.
Sa bawat pahina nito.
Hindi sa wakas hihinto.
At hindi sa tuldok ang pahinga.
Kundi sa kandungan mo, sinta.
TUMATANGIS
Ni YhunaSibuyana
At sa bawat patak ng luha ay may katumbas na pighati.
Pighating dulot ng pangungulila at pag aalala.
Dulot ng pagkalayo't pagkabagot.
Hindi maipaliwanag sa salita.
Hindi maipaliwanag sa mga titig.
At tanging mga luha sa mga mata'y nakakapaghiwatig.
Sa loob niya'y matinding kalungkutan na tanging siya lang ang nakaka alam.
Bugso ng damdamin ay sa luha'y pagmasdan.
Sa mga namumugtong mga mata.
Makikita ang tunay niyang saloobin.
Kahit ilang patak ng luha.
Kahit di mapansin ng karamihan taglay niyang kalungkutan.
Hayaan ang mga luhang papatak sa pisngi.
At magsabi ng katotohanan.
Katotohanang kaytagal niyang kinimkim.
Sa loob-looban niya
Hayaan itong makawala.
Walang duda,
May pinagdadaanan siya.
UNANG PAHINA
Ni YhunaSibuyana
Sa unang pahina ng librong isinulat ko.
Nakatala roon lahat ng magagandang naidulot mo.
Simula sa una hanggang sa napangiti mo na ako.
Ngunit bakit nagkaganito tayo?
Hindi naman tayo ganito noon dati.
Masaya tayo noon at pawang nakangiti.
Ngunit paano nagkagayon?
Ang puso mong hindi na mahinahon.
Alam mo naman diba?
Na ikaw lang ang mahal ko sinta.
Pero bakit ayaw mo maniwala.
Wala naman akong ginawang mali kundi ang mahalin ka.
Pakiusap naman, sinta ko.
Pagsuyo ko'y pakinggan mo.
Nagsusumamo ako sayo.
Na sana buksan mo ang pinto ng kwarto.
Pinto ng kwartong ikinulong mo ang sarili mo.
Ni hindi mo nga ako pinakinggan ni kahit kusing.
Ni ayaw mo nga akong padungawin sa bintana.
Sinta naman, ako'y giniginaw.
O sintang langit.
Diyos kong iniibig.
Dalangin ko'y dinggin.
Sa gabing malamig.
Paumanhin, pakiusap, pasensya di ko sinasadya.
Wala akong alam sa kasalanang nagawa.
Sana'y pakinggan ang pusong dukha.
Ni walang hanggad kundi ika'y mahalin ng tama.
Paumanhin, pakiusap, pasensya di ko sadya.
O irog, sinta kong hirang.
Pagbuksan mo na sana ako ng pintuan.
Hindi na uulit.
Alam ko na ang aking kamalian.
Ikalawang Pahina
Ni YhunaSibuyana
Sa bawat paglubog ng araw.
Ikaw ang nais kong matanaw.
Kahit abutin man ng magdamag.
Hihintayin pa rin kahit pa lumiwanag.
Minsan lang tayo magtagpo sa isang araw.
Minsan lang din tayo mag usap.
Walang bukang bibig kundi ikaw.
Hihintayin pa rin kahit di matanaw.
Kulay ay berde.
Hudyat ng pag uusap.
Kulay ay asul.
Hudyat ng pagkasadlak.
Hindi maintindihan.
Hindi magkatagpo.
Hindi magkaunawan.
Lalo't di lalayo.
Pangakong binitawan.
Sa mahal mong ina.
Kayang tuparin.
Basta't magtiwala
Walang asul at berde sa iniirog.
Bukod sa malamig na hangin na dumaan sa dakong likuran.
Walang asul at berde sa iniirog.
Pagkat ang puso niya'y sayo lang maglilingkod.
Walang abalang oras.
Na iniisip ka niya.
Walang sayang na oras.
Kung para sayo, sinta.
Walang sayang,
Kung sayo lang.
Ikatlong Pahina
Ni YhunaSibuyana
Sabi na nga ba iisa ang ating iniisip.
Sabi na nga, ako lang ang 'yong nasa isip.
Sabi na nga, ako lang ang 'yong mahal.
Sabi na nga, ako'y 'yong pinagdadasal.
Nakarating na pala tayo sa ikatlong pahina ng libro.
Ang dami ko na ring natutunan mula sayo.
Hindi ko na matandaan kung anong kulang.
Basta kasama ka lang, ako'y ngumingiti ng biglaan.
Sabi ko, ayokong mapunta sa iba.
Sabi ko, kuntento na ako sayo sinta.
Sabi mo, iiwan ba kita?
Asa ka! Di 'yon mangyayare, sinta.
Alam mo, wala akong balak na palitan ka.
Wala sa bokabularyo ko ang salitang, "ayoko na".
Wala akong iniisip kundi ang future nating dalawa.
Kaya, chill ka lang diyan. Mahal kita.
Ano? Ano ang iniisip mo?
H'wag kang mag alala dito.
Pasaway at makulit lang 'to.
Pero di ka ipagpapalit nito.
Nahanap na niya ang lugar niya.
Nahanap na niya kung saan siya sisilung sa tuwing uulan.
Nahanap na niya ang kaniyang kanlungan.
At doon iyon sa iyong kandungan.
Wala, wala siyang iba.
Bukod sa paghihintay sa tuwing mag o-online ka.
Laging lang online 'yon.
Pero di 'yon naghahanap ng iba.
Ikaw lang kasi inaantay niya.
Ano ka ba.
Wala kang dapat ipag alala.
Malakas lang tupak at tampo.
Pero di 'yon bumabaling sa pangako.
Mahal ka niya.
Minahal ka niya ng walang kondisyon.
Ika-apat na Pahina
Ni YhunaSibuyana
Ang layo na pala ng narating nating dalawa.
Marami na pala tayong nalagpasan na mga pagsubok.
Hindi ko mawari kung kailan at saan tayo nagsimula.
Pero sa totoo lang, ang suwerte pala natin.
Nananatili tayong matatag.
Sa gitna ng matitinding pagsubok.
Sa gitna ng di pagkakaintindihan.
Narito pa rin tayo buo at masaya.
Salamat ha.
Salamat at palaging nariyan ka.
Di man tayo palagi magkausap.
Pero naroon pa rin ang koneksyon.
Koneksyon na di maputol-putol.
Pakatatag lang tayo.
Darating din yong araw na magiging ayos din ang lahat.
Darating din yong araw na mapapalitan ang 'sana' ng 'sa wakas'.
Darating din yon.
Tiis lang muna sa ngayon.
Alam kong pareho tayong nagsusumikap para sa kinabukasan natin.
Alam kong isinama mo ako sa pangarap na mayroon ka.
Alam kong iniisip mo sa tuwina.
Alam ko iyon at pag-iigihan ko pa.
Sabi nila, walang lalaking matino.
Lahat may reserba at may tinatago.
Walang perpekto at walang desidido.
Pero nasa tao na ‘yon kung gusto niyang maging tama para sayo.
Magiging tama ako,
Magiging tamang tao para sayo.
Ika-limang Pahina
Ni YhunaSibuyana
I. Parang kailan lang, nakarating na tayo sa ika-limang pahina ng libro.
Librong kahit anong punit ng pahina ay mananatili pa rin.
Mananatiling ikaw ang nilalaman.
Kahit na mabasa at mapunit ng ulan.
Iisa lamang ang nais nitong ika-limang pahina.
Nais niyang ipahiwatig ang sakuna.
Sakunang humagupit sa bawat pahina.
Na kahit guluhin, punitin at basain.
Iisa lamang ang umaangkin.
Ang nilalaman nitong damdamin.
Ay nasa libro lamang nakatanim.
II. Walang nais hiling kundi pagkaingatan.
Pag ibig na binigay ng kupidong hinirang.
Walang tatanggi sa plano ng kapalaran.
Tanggapin at pahalagahan kung anong nandiyan.
Pinaubaya nalang ang lahat sa kapalaran.
Pagkat di natin alam ang ating paroroonan.
Basta't magtiwala sa poong may likha.
Sumunod ka nalang sa kaniya at siya ang bahala.
Dadalhin ka niya sa tamang tao.
Taong di ka babaliwalain at bibigyan ng tamang halaga.
Halagang deserve mo at di kana magtatanong pa.
Tulad ng sapat na walang hahanapin pa.
Tulad ng bulaklak na kay halimuyak sa ganda.
Ang pulang bulaklak na inialay sa iyo.
Tanggapin ng buong-buo.
Hindi mo na dapat pagdudahan ang naramdaman mo.
Pagkat pag ibig na dalisay ang inialay sayo.
H'wag mong baliwalain at sayangin ito.
Ito'y mas mahal pa sa pilak at ginto ang value.
Walang katumbas ang halaga nito.
Walang katumbas ang pag ibig na totoo.
Pag ibig na pilit sinisira ng iba.
Kung totoo siya, masisira pa kaya?
About the Author:
Si Jima T. Ogaya na kilala bilang YhunaSibuyana ay nagtapos ng senior high school sa paaralan ng Espaňa National High School – Espaňa, San Fernando, Romblon sa strand na General Academic Strand. Siya’y kasalukuyang nag aaral sa kolehiyo at nasa third year nan a may kursong Bachelor of Secondary Education major in English sa Romblon State University – San Fernando Campus. Siya’y dalawang pung tatlong gulang. Mahilig siyang magsulat ng mga kwentong kapupulutan ng aral. Siya din ay isang scholarship grantee at Dean Lister students.
💻📚❤️🙏